Tuesday, March 6, 2012

Itim na Anghel

*Copy-Paste from twitlonger

At dahil di ko alam ang topak ng blogspot at kung bakit nasayang yung kaunaunahan kong blog sana sa pamamagitan ng cellphone ko - Dito muna sa twitter tapos copy paste na lang -- Mahirap para sa akin sa ngayon ang maniwala sa Diyos, kung meron man nasan sya? Kung meron man bakit di ko sya maramdaman.

Dark Angel: mahal ang asukal na pula, mahal ang asukal na pula na basa sabi ng bakery, bumibili ako kasama si Tiya Baby, pauwi na kami ng makita namin ang black na gate at nakapulot pa ako ng limang piso. "wag kayong tumuloy" sabi ng isang lalaki habang kasama ang mga anak nito na naglalaro sa swimming pool, hindi kami nakinig dire diretso kami sa parang sementeryo makulimlim ang paligid parang dapithapon parang lumang swimming pool na may mga nitso sa ibabaw malinaw ang tubig pero malumot, habang naglalakad napabulalas na ako bigla ng "balik na tayo, di ko na kaya" takot na takot ako habang iniikot ang sarili para bumalik, rinig ko na rin ang alulong ng aso na nagmumula sa mga nabuhay na bangkay, tumakbo kami pareho ni Tiya Baby pabalik habang unti unting lumalalim ang tubig, sa dulo kitang kita ko na nakalabas si Tiya Baby sa itim na gate, ako hindi.

Itim na bahay -- pumunta ako sa isang madilim na bahay, kanina lang may isang pamilyang masaya na nag tatampisaw pa sa swimming pool ngayon sandamakmak ang kakaibang karakter na di ko talaga maintindihan ang gusto sa buhay, sabi sa akin ng isang mama "hindi ka na makakalabas" sabay saboy sa akin ng gatas, yun daw ang makakapag pabango sa akin para muling habulin ng bangkay na nabuhay, muli silang umalulong na parang aso tumakbo ko ng mabilis para mabuksan ang itim na gate pero sobrang bigo ako - naka lock ang gate pumunta ako sa parang bintana, naron ang isang anghel, anghel na kulay itim, itim na itim na kasing itim ng gabi.

Si Jesus o ang mga demonyo? -- bakit ilang beses ng nagparamdam ang demonyo bakit si Jesus ni sa panaginip o totoong buhay di ko pa talaga naramadaman?

No comments:

Post a Comment