Wednesday, March 28, 2012

Today!


Today, ngayon, as in this hour, I declared myself as no religion - walang pinaniniwalaan o walang sinasamba. Ang Diyos? Nakakalungkot na kung kailan holy week saka ko sya isinuko, pagod na kasi ako. Aminado ako na nahihiya din akong ibalita o sabihin sa mga tao ang kakaibang desisyon na to sa buhay ko. Hindi na to bago para sa akin. Pero sa ngayon mas pagod at mas pata na ko. Hindi kasi talaga madali na habang dinadasal mo sa kanya na maayos ang lahat saka ito gumugulo, hindi madali na habang gumagawa ka ng paraan para maayos ang buhay mo saka naman parang hindi ka nya tinutulungan.

Maniniwala ka pa ba sa pinapapaniwalaan mong Diyos kung ni simpleng bulong mo ay hindi nya marinig? Maniniwala ka pa ba sa sinasambahan mo mula pag ka-bata ka kung ni simpleng panaghoy mo ay di nya mabigyan ng atensyon?

Pagod na talaga akong maniwala sa isang kathang isip na ang totoo naman ibig sabihin ay tyamba sa buhay. Walang Diyos, Walang Hesus, Walang kahit na ano. Isa lang ang totoo. Kung magaling ang ninuno mo sa tyamba hanggang ngayon buhay ka ng maayos at dahil hindi mo naman alam na tsumamba lang sila. Maniniwala ka sa bulok na relihiyon na sa totoo lang nakakaumay na at napakarami din namang mali. Pasensya na sa mga makakabasa nito na salungat sa pinaniniwalaan ko. Kung magiging ako ka saka mo husgahan kung anong pagkatao ako meron. Kung alam lang ninyo ang bigat, sakit, hirap at pagod ko sa ngayon maiintindihan ninyo ako. Hindi ako humihingi ng pangunawa kundi respeto sa kung ano man ang paniniwala ko.

*Made by Nokia C3-00
*Copy from twitlonger

No comments:

Post a Comment