Friday, September 30, 2011

Pilot Episode - Test broadcast

Pilot blog, Pilot blog, Pilot blog (may word ba na ganon?) basta ang alam ko ito yung unang blog ko kung katapangan sa sarili kong pagkatao ang paguusapan, as in wala ng paligoy ligoy walang itatago isang totoong ako.

Ilang araw ko na rin pinagiisipan na mag blog muli, meron ako dati pero dahil totoo kong pangalan ang nakalagay takot akong ikwento ang totoong ako, rather mas magandang gamitin ang term na siraan ang totoong ako. Takot talaga ko pag kinukutkot yung pagkatao ko pakiramdam ko minemurder yung kasulok sulukan ng ingrown ko sa paa, hindi ganon kasing ka perpekto yung buhay ko, hindi na talaga ganon kaayos parang lego na pinaglaruan ng bata sa labas ng bahay tapos nagkawala at hindi na nabalik sa bucket. (gets?)

Grade 3 palang ginawa ko na ang pinaka mahalagang desisyon sa buhay ko – Ang tumigil sa pag aaral. Akala ko ang mundo ay nahahati sa dalawa, kung matanda ka hindi ka na tatanda at kung bata ka hindi ka na rin tatanda, akala ko hindi ako tatanda, akala ko hindi aabot sa punto ng buhay ko na kakailanganin ko palang tumayo sa sarili kong paa, akala ko yung mundo ay isang “paraiso” ngayon bente y tres na ko. Gulantang na gulantang ako sa buhay lalo na ngayon na kailangan ko ng kumayod para sa sarili ko. Magaling akong mag panggap minsan nga pati sarili ko napapaniwala ko na ako’y isang Script writer, Direktor, Nobelista, Nagtatrabaho sa isang higanteng TV station, Call center agent, Kumakain ng bubog, si Mark Zuckerberg at kung ano ano pa.. pero sa huli naiisip ko, Wala pala kong kayang gawin. Pilay at wala ng pag asa sa buhay.

Hindi ko maintindihan ang sarili ko during that time na araw araw world war sa bahay dahil ayokong pumasok sa eskwelahan. Araw araw parang lagi na lang magpapatayan dahil sa pamimilit ng Nanay ko na papasukin ako sa pampublikong paaralan malapit sa amin. Masama sa pakiramdam ang pinipilit ka sa bagay na ayaw mong gawin, Masakit sa ulo at lalong masakit sa katawan dahil sa dala ng sobrang pagkapikon eh umaabot sa puntong mabali ang isang dosenang hanger. Pinilit ako. You heard me right PINILIT ako kung ilang beses ako pinilit hindi ko na maalala, Dakila ang Nanay ko pero may kapaguran din noon nanalo ko sa kanya, ngayon sana matanggap ko na ako rin pala ang talo.

Sa ngayon maraming bagay ang gusto kong gawin, maraming pagkakataon na gusto ko na rin sumuko, wala akong matinong hanap buhay, hindi ko alam kung paano ko isasalba ang bawat sikat ng araw, Matanda na ang mga magulang ko gusto ko na tulungan sila ayoko ng makitang nangungutang para may pang puhunan sa pagtitinda, nahihiya na ako sa sarili ko sa bawat oras na alam kong wala akong kayang gawin para isalba sila sa palubog ng palubog na bangka sa dagat ng utang. Nahihiya ako sa kanila, Naawa ako sa sarili ko.
Gusto ko sanang maging masaya ang una kong blog entry, Pilot eh! Dapat masaya! Dapat may sigla pero mukang hindi ganon nag manyayari dahil kailangan kong ipaliwanag kung bakit dapat kalkalin ko yung puno at dulo ng pagkairita ko sa buhay!

Mga 3:18 ng madaling araw kanina (yan ang blogger dapat sakto) nabwiset ako sa buhay ko (palagi naman) Actually buwan palang ng May sa gitna ng depresyon naisip ko ng bumitaw sa Diyos, OO galit ako sa Diyos hindi ko alam kung bakit nya ko pinapahirapan. Hindi ko gets yung trip nya kung bakit hindi na lang nya ko binigyan ng normal na buhay, kung bakit puro pag hihirap? bakit hindi ako maka ahon?

Malikot ang isip ko, gusto kong may magbago, ayokong buong buhay ko umasa na lang ako sa mga blessings nya na parang hindi ko talaga makita. GUSTO KONG MAY MAGBAGO at isa pang malaking tuldok as in malaki mga kalahati ng Milky way, at dahil “The Transparent me” ang pamagat ng blog na ito. Aaminin ko lahat at kung tatanungin mo ko kung nagdasal ako sa demonyo, OO ang isasagot ko. Nakakakilabot pero pag wala ka ng kakapitan bakit hindi mo to paniniwalaan? That time nag research ako sa Internet tinignan ko kung ano nga ba ang pwede kong makuha sa pag sanib sa itim na paniniwala, Nakita ko na pwede mo palang hilingin lahat (sosyal!) as in parang instant Genie sa kondisyon na ibibigay mo ang kaluluwa mo, Napaisip ako, teka teka ayos pala, kung ano man yung manyayari sa hinaharap, bahala na ang mahalaga ngayon kung sakali man ay mawala lahat ng problema ko. May ginawa akong dasal konting hiwa sa daliri, vetsin, asin luya, bawang at yung mga gulay na nasa bahay kubo at vegetable salad (syempre joke na yun) Sindi ng kandila – Dasal, Sunog ng Papel – Dasal – Ihip. Tapos.

Na I post ko na nga ba sa Ebay ng impyerno ang kaluluwa ko? Sa isip ko bukas kaya swertihin na ko at na “Go to cart” na ng sino mang Demonyo ang kaluluwa ko?
June
July
August

Ngayon huling linggo na ng September, Kalokohan lang pala ang nasa net wala naman pala talagang buy and sell ng kaluluwa. Tumawa ko sa isip. Patawa! Kahit Demonyo ayaw sa kaluluwa ko? Tawa ulit. Kahit ang Diyos hindi ko maramdaman. Hindi yata talaga existing ang Heaven o ang Hell, Si Jesus o si Santanas. Walang kwentang buhay to’ hindi ko alam kung saan ako maniniwala, hindi ko alam kung may tutulong sa akin. Parang wala! Lahat ng aspeto ng buhay talo ako. Putang Ina! Papakamatay na ko.

Rewind < Rewind < Rewind < Mga 3:18 ng madaling araw kanina (yan ang blogger dapat sakto) nabwiset ako sa buhay ko (palagi naman) Actually buwan palang ng May sa gitna ng depresyon naisip ko ng bumitaw sa Diyos, OO galit ako sa Diyos hindi ko alam kung bakit nya ko pinapahirapan. Hindi ko gets yung trip nya kung bakit hindi na lang nya ko binigyan ng normal na buhay, kung bakit puro pag hihirap, bakit hindi ako maka ahon.

Gusto ko ng matulog pero dahil sa alanganin ako nagising hirap akong makahagilap ng antok paikot ikot, pa basa basa, pa net net sa cp. Punyeta! San bang lupalop ng impyerno ko hahalukayin yang lintek na antok na yan. Malungkot ako. Nagiisip kung paano ko issurvive ang isa o dalawa pang araw ng buhay ko. Nag simula na kong matanong ulit sa Diyos, Naghimutok nagalit at na bwiset. Kinuha ko ang cellphone ko. Nag internet ulit at nag baka sakali na may demonyong gustong maging Genie ng buhay ko. Naghanap hanap, nag isip isip. Narating ko ang isang site kung saan naka post dun “sell your soul to Devil” Sosyal na pala ang bentahan ngayon daig pa ang Amazon, Ebay at Sulit! ONLINE na! ang saya saya naman, hindi na ko mahihirapan, easy access ika nga sa Impyerno. Sign up sign up lang ayos na! Hindi ko siniryoso ang mga bagay na yun. Pag katapos kong mag sign up. Binalewala ko na ang lahat. Inisip ko na isang walang magawang web master lang ang may gawa nun. Ako naman walang kwentang taong nag sulat sa walang kwentang site ng nasabing walang kwentang web master.

Papikit pikit. Pikit Pikit Pikit. (>_<) inaantok na ko hindi ko na namalayan na unti unti na pala akong nanaginip. Normal lang yung panaginip ko. Walang kakaiba at wala naman nakakatakot ito ang scenario:

Sumakay ako ng Jeep byaheng Sta. Lucia nag bayad akong 15, wala lang deadma lang normal na byahe lang bigla na lang naiba ang production design naging matalahib. i-papark na ng gawapong driver ang Jeep. Sabi ko “Putang ina ano gusto mong gawin?” pero syemrpre hindi yun talaga ang sinabi ko echoz lang ang totoo kong sinabi ay “………..” Hindi ako pinansin ni Baby boy driver sa halip pumunta lang sya sa harap ko. Akmang gagahasain ako, Nasa isip ko: ok lang gwapo naman saka ang sarap sarap na ng nararamdaman ko. Ito yung pangarap kong pakiramdam sana totoo sana hindi panaginip.

Silence – Change set up May bilang bumulong sa tenga ko, alam ko gising ako dahil kita ko na yung bintanang may konting ilaw. Hindi ako makagalaw Patuloy parin yung pag bulong ng mahiwagang boses. Parang babae pero hindi ko talaga maintindihan ang sinasabi iba pakiramdam ko. Naalala ko ang nilalakad kong deal sa impyerno OO tinalikuran ko na ang Diyos kung may puwang sya sa isip o sa puso ko yun ang hindi ko sigurado. Sanay na ako sa ganon pakiramdam, yung tipong hindi ako makakilos habang patulog na pero iba ngayon kasi bulong ang gumising sa akin. Isang bulong na punyeta daig pa ang horror movie ni Linda Blair. Kilabot ang bumalot sa katawan ko. Isang mala putang inang fuck shit na kilabot. Kung ngayon napapamura ko, nung panahon na nanyayari yun ay parang aso ko na nabahag ang buntot, parang dagang na trap na gusto humingi ng saklolo. Pinilit akong pumikit at tinawag ang pangalan ni Kristo.

Jesus Christ - Jesus Christ - Jesus Christ - Jesus Christ - paulit ulit, palakas ng palakas. Pero hindi natinag ang bulong na boses. Nahihiya man ako sa Diyos pero sya parin ang nilapitan ko sa panahon na dinadaot ako ng “Demonyo?” hindi ako sigurado suspetsa ko lang, naisip ko baka tindera lang yun sa kamuning na naligaw sa kwarto ko o isang sales lady na nag aalok ng kung ano anong pampalibog. Pero mukang Demonyo nga. Dinasal ko ng paulit ulit ang “Our Father” hindi ko na nakuhang mag antanda dahil hindi talaga ko makakilos ang tanging nagawa ko lang ay pagsaraduhin ang dalawa kong palad pero malakas talaga si Luciper hindi ko masakto ang pagsasara ng mga palad ko habang nag dadasal ng “Our father” Kung nakakaintindi lang ako ng salita ng demonyo malamang ang sinsabi nya “Sige payag na ko, pirma ka na ng kontrata” pero dahil horror ang enter frame nya sa pinaka nakakatakot na gabi ng buhay ko hindi ako naka OO. Maling strategy. Sana pumasok na lang sya sa panaginip ko at nag anyong maamong ibon o mabait na dagang kosta sa paraan na yun de sana naka sigurado kong nasa puder na nila ko.

“Our Father, Who art in heaven Hallowed be Thy Name; Thy kingdom come, Thy will be done, on earth as it is in heaven…. Our Father, Who art in heaven Hallowed be Thy Name; Thy kingdom come, Thy will be done, on earth as it is in heaven…. Our Father, Who art in heaven Hallowed be Thy Name; Thy kingdom come, Thy will be done, on earth as it is in heaven…. Our Father, Who art in heaven Hallowed be Thy Name; Thy kingdom come, Thy will be done, on earth as it is in heaven…. Paulit ulit kabado boses ko ramdam ko na ang pag kahapo, pumasok sa isip na baka naisipan ko nanaman mag bigti pero don’t panic ramdam ko ang hangin sa leeg ko – SAFE.

Ramdam ko na nasa kaliwang parte sya ng kama ko. Habang nag dadasal pinilit kong ilingon ang ulo ko habang sinisigaw na sa isip ko ang kaisa isang dasal na kabisado ko, pero kung ano yung bobo ng strategy nya para sabihin na existing pala sya sa buhay ko eh yun naman ang lakas nya para pasukin na ang sarili kong boses nagiging mag ka boses kami pero mabilis.. parang pusang galit na kumakanta ng Super Bass ni Nickie Minaj. Mas malakas ang pasigaw na bulong. Naramdaman kong hindi sya nag iisa dahil ramdam na ramdam ko ang isang kamay na humihila sa akin mula sa paanan ng kama. Gusto ko ng mag ingay pero wala akong boses. Sinubukan kong kumilos para kalampagin ang kahoy na nasa ulunan ko pero malambot ito parang natakpan ng mga unan. Sobra na yung kaba ko ng biglang kumalma ang puso ko, parang dagat na nawala ang malakas na alon.

Kalma – Kalamado na ko, kalmado habang hinihingal. 10 minutes, 20 minutes mga 30 minutes ata bago ko nakahagilap ng lakas ng loob para buksan ang ilaw, nanlalambot ako, Naalala ko yung isang caller na tumawag sa Radio show ni Shalala, Bayani Agbayani at Diana Menezes sa Aksyon TV na totoo ang Demonyo sa katunayan nanghihila daw talaga to ng paa. Pareho lang kaya ng style ng mga Demonyo? Pareho ng process?

Sa totoo lang kinomedy ko lang ang takbo ng pagsusulat pero siryoso natakot ako. Aminin ko na meron konting saya kong naramdaman pagkatapos akong kumalma. Ibig sabihin pala mabibigay na ng Demonyo lahat ng hiling ko, pero paano yun? Nagdasal ako. Ano manyayari? May take 2 ba? Bakit kasi hindi na lang ibigay ng Diyos ang lahat para hindi na ko sumakabilang bakod? Ibigay nya at mangangako akong magiging maayos ang lahat. Pero wala eh. Bingi ang Diyos at mapag samantala ang Demonyo. Kung magbabait ako sigurado sa malamang, 100 years bago maawa sa akin ang Diyos kung lilipat ako ng istasyon. Masusunog naman ako sa impyerno.

Kumuha ko ng ticket sa lotto pag nakuha ko ang Jockpot ibig sabihin sold out na ang kaluluwa ko.
*Hindi ako nag revise.
*Pasensya na sa Typo.

No comments:

Post a Comment